Skip to main content

Mga pagkaing maalat, mataba dapat bawasan, iwasan


Ni Celina Ann Z. Javier
FNRI-DOST S&T Media Service

Mahilig ka ba sa maaalat at matatabang pagkain? Ang sobrang pagkain ng mga ito ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng mataas na blood pressure, na maaari namang maging dahilan ng stroke at mga sakit sa puso.

Ito ay ayon sa ikawalong mensahe ng Nutritonal Guidelines for Filipinos o NGF: “Limit intake of salty, fried, fatty and sugar-rich foods to prevent cardiovascular diseases.”

Sundin natin ang sampung mensahe ng NGF na makakatulong sa atin na magkaroon ng malusog na katawan sa pamamagitan ng pagkain ng tama.


Ang impormasyon na ito ay hatid ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology o FNRI-DOST. Para sa karadagdagan impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon sumulat o tumawag kay: Dr. Mario V. Capanzana, Director ng FNRI- DOST. General Santos Avenue, Bicutan, Taguig City o sa kanyang E-mail address: mcv@fnri.dost.gov.ph o sa telepono bilang 8-3-7-2-9-3-4 and 8-2-7-3-1-6-4, Maari ring bisitahin ang aming website: http://www.fnri.dost.gov.ph.

Comments