Magsisimula na sa Pebrero 24, 2023 ang “Onlayn Dap-áyan” sa mga “Babasahín sa Saliksik at Kulturang Pilipino” ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) tampok ang mga salawikain.
Ang proyektong ito ay serye ng mga pagbása at talakayan sa iba’t
ibang panitikang-bayan ng bansa kabilang ang salawikain, bugtong, alamat,
awiting-bayan, at epiko.
Kumukuha ito ng inspirasyon sa dap-áyan ng mga taga-Kordilyera na
may kinalaman sa mga ritwal at paraan upang malutas ang mga isyu ng komunidad.
Sa bawat sesyon, magbibigay ang KWF ng babasahín at gabay sa
pagbása ng mga panitikang-bayan para sa isasagawang talakayan sa onlayn na
platform.
Bukás na ang pagpapatalâ para sa unang sesyon tampok ang
salawikain sa Pebrero 24, 2023. May hiwalay na pagpapatalâ para sa iba pang
sesyon: Abril 28, 2023 (bugtong), Hunyo 28, 2023 (alamat), Agosto 31, 2023 (awiting-bayan),
at Oktubre , 2023 (epiko).
Libre at bukás ito sa sinumang interesado. Kinakailangan lámang
magpatalâ sa link na ito: https://forms.gle/idhnj7N4rrikkpcN6. Pipili ang KWF
ng 30 kalahok na pagkakalooban ng sertipiko ng partisipasyon. Magbibigay rin ng
mga aklat ng KWF Publikasyon sa piling mga kalahok.
Para sa mga detalye, maaaring magpadala ng email kay Roy Rene S.
Cagalingan sa rrcagalingan@kwf.gov.ph.
Deciding which of the many amazing attractions in the United States or Canada is the most important might take much work for tourists. The expense of flights and accommodations for a multi-city vacation might pile up quickly. Quick passport
ReplyDelete