(Tula
mula sa aking puso para sa Araw ng mga Guro)
Sa
aming mga kamay inihain
Buhay
at kinabukasan ng batang hinabilin
Napakadakila
natin sa ating paningin
Ngunit
sa iba, sino nga ba tayo at di pinapansin?
Tingin
ng madla napakadali ng ating trabaho
Malayong
mas mahirap daw maging doctor at inhenyero
Ayon
sa kanila simple lang naman ito
Magsasalita
sa harapan at maghapong nakatayo
Subalit
di nila naiintindihan
Ang
pasan ng mundo sa amin nakaatang
Paghahanda
sa magandang kinabukasan ng kabataan
Kailangan
namin itong magampanan
Pagdisiplina
sa bata ay hirap ka na
Lalo
na’t pananakit sa kanila ay bawal pa
Tiis
tiis na lang kahit binabastos ka
Sige
lang teacher ika’y magpakadakila
Gusto
man naming magpakatotoo pero tayo ay modelo
Sa
isip, sa salita, sa gawa kailangang karespe-respeto
Saan
man sa mundo ka dadako at tutungo
Magdahan
dahan ka at mga mata’y nakatuon sa iyo.
Magpanggap
ka na rin na ok kahit hindi
Sa
harap ng mga bata ipakita’y pawang mabubuti
Kalungkutan,
kahinaan, kapaguran at galit kahit konti
Kailanman
di dapat makaapekto sa sarili at sa batang munti.
Maging
pangalawang magulang ay kalaking responsibilidad
Dahil
hindi lang tayo nakatutok sa kanilang abilidad
Problema
nila sa eskwela, bahay at komunidad
Dapat
tutukan upang edukasyon ay di mabawasan ang kalidad
Araw
araw iba’t ibang bata ang nakakasalamuha
Galing
sa iba’t ibang pamilya, may iba’t ibang kakayahan at kultura
Sa
ganyang sitwasyon maghanap ka ng magandang istratehiya
Na
babagay gamitin upang sa piling mo’y mga bata matuto at maging masaya
Respetong
nababagay ating inaasam asam
Bakit
ang mga ito’y hirap nating makamtan
Sabi
nila, ito’y sa atin nararapat lang
Dahil
sila ang nagpapasahod at ito’y kanilang karapatan.
Hindi
rin maikakaila na ang oras sa pamilya ay nawawala na
Paggawa
ng DLL, pagkwenta ng grado at marami pang iba
Oh
Guro kailan ka makapagpapahinga?
Siguro
pag ikaw sa mundo’y mawala na.
Bilang
isang nagtuturo ang tanging nais ko
Sana
sa Buwan ng mga Guro kami ay kilalanin nyo
Munting
pasasalamat lang na totoo
Kasiyahan
at pagmamalaki ang dulot nito.
Comments
Post a Comment