Magsisimula na sa Pebrero 24, 2023 ang “Onlayn Dap-áyan” sa mga “BabasahÃn sa Saliksik at Kulturang Pilipino” ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) tampok ang mga salawikain. Ang proyektong ito ay serye ng mga pagbása at talakayan sa iba’t ibang panitikang-bayan ng bansa kabilang ang salawikain, bugtong, alamat, awiting-bayan, at epiko. Kumukuha ito ng inspirasyon sa dap-áyan ng mga taga-Kordilyera na may kinalaman sa mga ritwal at paraan upang malutas ang mga isyu ng komunidad. Sa bawat sesyon, magbibigay ang KWF ng babasahÃn at gabay sa pagbása ng mga panitikang-bayan para sa isasagawang talakayan sa onlayn na platform. Bukás na ang pagpapatalâ para sa unang sesyon tampok ang salawikain sa Pebrero 24, 2023. May hiwalay na pagpapatalâ para sa iba pang sesyon: Abril 28, 2023 (bugtong), Hunyo 28, 2023 (alamat), Agosto 31, 2023 (awiting-bayan), at Oktubre , 2023 (epiko). Libre at bukás ito sa sinumang interesado. Kinakailangan lámang magpatalâ sa link na ito: https://forms.gl
Online edition of The Ilocos Times, a community newspaper based in Laoag City, Ilocos Norte.