Skip to main content

Alegorya ng Kuweba

(I write fiction very rarely. So, I want to share with you, dear karikna, this modern-day Ilocano adaptation of Plato’s Allegory of the Cave which will be used, along with an English translation, as official piece in a creative storytelling competition. I dedicate this work to fellow journalists who perished in the Maguindanao Massacre on November 23 four years ago and to all other comrades in the profession who perished in their line of noble duty.)

Magandang araw, mga bata. Nakapasok na ba kayo sa isang yungib o kuweba?

Ang kuwento natin ngayon ay tungkol dito.

Sa isang liblib na lugar, may mga naninirahan sa loob ng isang madilim na kuweba.

Malawak ang kuweba subali’t hindi makagala ang mga naninirahan dito. Kasi naman, nakatanikala ang kanilang mga kamay, paa, at leeg mula pagkabata. Ni hindi nga sila makalingon man lang upang tignan ang kanilang mga katabi. Lahat sila ay nakaharap sa dingding ng yungib.

Napakadilim sa loob ng kuweba. Ngunit sa bandang gitna ay may naglalagablab na apoy. Sa bandang dulo naman ay ang lagusan palabas. Sa harap ng apoy ay may mga puppeteer, o ‘yung  mga gumagawa ng iba’t ibang hugis. Katulad nito. (Gagawa ng hugis ng ibon sa pamamagitan ng mga kamay) Ano ito? (Audience: ibon!)

(Pagagalawin ang ibon at gagayahin ang tunog ng ibon) Tama! E ito naman. (Gagawa naman ng hugis ng aso) (Audience: Aso!)

(Pagagalawin ang ibon at gagayahin ang kahol ng aso.)Tama muli. Ang gagaling ninyo! Ngayon, kung may apoy sa gitna ng kuweba at may mga puppet sa harapan nito, ano kaya ang makikita ng mga taong kuweba sa harap ng pader? (Audience: Mga anino!)

Mga anino! Anino ng mga tao, hayop, at kung anu-anong mga bagay.

Ang buong akala ng mga taong kuweba, ang mga nakikita nilang anino sa dingding ay mismong mga tunay na tao, hayop, halaman, at mga bagay. Halimbawa, kapag nakakakita sila ng hugis ng pusa ay hindi nila alam na anino lang pala ‘yun. Para sa kanila, yun na ang totoong pusa. Ang mundo nila ay binubuo lamang ng mga anino. At kuntento na sila dun. Masaya na sila sa kanilang kalagayan.

Hanggang isang araw, ang isa sa mga taong kuweba, na tatawagin nating Pablo, ay may naranasang kakaiba. Lumuwag ang tanikalang nakagapos sa kanyang katawan. Nang makawala siya sa tanikala, lumingon si Pablo at nakita niya ang naglalagablab na apoy. Tumakbo siya patungo dito. Palibhasa at nasanay sa dilim, humapdi ang mga mata ni Pablo nang makita niya ang maliwanag na apoy. Natakot si Pablo kaya’t kumaripas siya ng takbo papalayo. Tumakbo siya hanggang sa makalabas ng kuweba. Tanghaling tapat noon at tirik na tirik ang araw, kaya’t nang tumingala si Pablo sa kalangitan ay tuluyan nang nawala ang kaniyang paningin. 

“Wala na akong makita! Bulag na ako!” sigaw ni Pablo

Ngunit, panandalian lamang pala ang kanyang pagkabulag. Unti-unting nanumbalik ang kanyang paningin, at nagulat siya sa kanyang nakita.

“Wow! Ang ganda ng mga bulaklak… Hmmmm, at kaybango! Makulay pala ito!” Paglingon niya sa kanan, nakita naman ni Pablo ang isang kalabaw. “Ganito pala ang tunay na kalabaw!” wika niya. Tuwang tuwa siya sa kanyang mga nakikita. Nabatid ni Pablo na may totoong mundo pala na lubos na mas maganda kaysa sa mundo ng anino sa loob ng yungib.

Habang patuloy na nagmamasid-masid si Pablo, may tumigil na tricycle sa kanyang harapan. Muli, natuwa siya. “Wow, ganito pala ang tunay na driver at ang tunay na tricycle!” Manghang-mangha si Pablo.

“Ano, sasakay ka ba o hindi?” Tanong ng iritableng driver. “Sasakay po, manong?” tugon ni Pablo. “Saan mo gustong pumunta?” tanong muli ng drayber. “Sa river po manong, maganda rin siguro doon,” sagot ni Pablo na gustong gustong makapunta sa isang tunay na ilog. “Sige, dobliem ton ah?” sabi ng drayber. At sumakay na si Pablo sa tricycle.

Ngunit hindi sa ilog dinala ng drayber si Pablo, kundi ay sa Riverside, isang meriendahan sa Batac. Doon, nakakita si Pablo ng tunay na empanada. Tuwang tuwa siya! “Ganito pala ang kulay ng empanada,” naibulalas niya. At natikman ni Pablo ang tunay na longganisa, tunay na itlog, tunay na monggo at papaya sa loob ng empanada. “Ang sarap pala talaga ng tunay! Nangingibabaw!”

Ang saya-saya ng ating bida. Naalala ni Pablo ang mga kasamahan niya sa loob ng kuweba. “Dapat ay makalabas na rin sila,” wika niya. Kaya’t bumalik siya sa kuweba upang kalagan ang kaniyang mga kasama at palabasin sila sa yungib.

“Mga kasama, hindi pala ito ang tunay na mundo! Napakaganda at napakakulay pala sa labas ng kuweba!”

Hindi natuwa ang kanyang mga kasama. Bagkus ay nainis pa sila. “Tumigil ka nga, istorbo ka!” Huwag kang maingay diyan at may dumaraang magandang babae (guapong lalake)!”

“Hindi yan totoo! Puppet lang ‘yan! Anino lang ‘yan!,” paliwanag ni Pablo.

Sa kagustuhan niyang makalabas din ng kuweba ang kanyang mga kasamahan, kinalagan niya ang tanikala ng mga ito.

Ngunit nang makalag ang tanikala ng mga taong kuweba ay lalo silang nagalit. “Nababaliw ka na, Pablo! Sinungaling ka! Niloloko mo kami!”

Hindi. Totoo ang sinasabi ko. Masaya talagang lumabas sa tunay na mundo. Andoon ang mga tunay na tao, tunay na hayop, tunay na halaman, tunay na mga gamit, at iba pa. Try niyo.

Hindi talaga naniwala ang mga taong kuweba. Puno ng poot, tumayo sila at pinagtulung-tulungan nilang tadyakan, suntukin, at hampasin ang walang labang si Pablo hanggang siya ay madurog at masawi.


Pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo ang mga taong kuweba, humarap silang muli sa dingding ng yungib, muling ikinabit ang kanilang mga tanikala, at patuloy na nagmasid sa mga anino.

Comments

Popular posts from this blog

Empanada festival: A celebration of good taste and good life

By Dominic B. dela Cruz & Leilanie G. Adriano Staff reporters BATAC CITY—If there is one thing Batac is truly proud of, it would be its famous empanada-making business that has nurtured its people over the years. Embracing a century-old culture and culinary tradition, Batac’s empanada claims to be the best and tastiest in the country with its distinctive Ilokano taste courtesy of its local ingredients: fresh grated papaya, mongo, chopped longganisa, and egg. The crispy orange wrapper and is made of rice flour that is deep-fried. The celebration of this city’s famous traditional fast food attracting locals and tourists elsewhere comes with the City Charter Day of Batac every 23 rd  of June. Every year, the City Government of Batac led by Mayor Jeffrey Jubal Nalupta commemorate the city’s charter day celebration to further promote its famous One-Town, One Product, the Batac empanada. Empanada City The Batac empanada festival has already become...

Free dormitories eyed for Nueva Era students in LC, Batac

 Nueva Era mayor Aldrin Garvida By Dominic B. dela Cruz ( Staff Reporter) Nueva Era , Ilocos Norte—The municipal government here, headed by Nueva Era mayor Aldrin Garvida is planning to establish dormitories in the cities of Laoag and Batac that will exclusively cater to college students from the said cities. “Sapay la kuma ta maituloyen iti mabiit tay ar-arapaapen tayo ken iti munisipyo a maipatakderan kuma dagiti annak tayo a college students nga agbasbasa idiay siyudad iti Batac ken Laoag iti libre a dormitoryo a bukod da ngem inggana nga awan pay ket an-anusan mi paylaeng nga ibaklay kenni apo bise mayor iti pagbayad da iti kasera aggapu iti bukod mi a suweldo malaksid dagitay it-ited iti munisipyo ken iti barangay nga stipend da kada semester, ” Garvida said.    Garvida added that the proposed establishment of dormitories would be a big help to the students’ parents as this would shoulder the expenses of their children for rent and likewise they would feel...

P29 per kilo rice sold to vulnerable groups in Ilocos region

BBM RICE. Residents buy rice for only PHP29 per kilo at the NIA compound in San Nicolas town, Ilocos Norte province on Sept. 13, 2024. The activity was under a nationwide pilot program of the government to sell quality and affordable rice initially to the vulnerable sectors. (Lei Adriano) San Nicolas , Ilocos Norte —Senior citizens, persons with disability, and solo parents availed of cheap rice sold at PHP29 per kilogram during the grand launching of the Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice held at the National Irrigation Administration compound in San Nicolas, Ilocos Norte province on Sept. 13, 2024. “ Maraming salamat Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa inyong pagmamahal sa Region 1 lalong-lalo na sa bayan namin sa San Nicolas,” said Violeta Pasion, a resident Brgy.   18 Bingao in this town. The low-priced grains were sourced from the National Irrigation Administration’s (NIA) contract farming with irrigators' association members in the province. Along with Pasion, Epi...