Skip to main content

Ilang minuto sa CD-R King sa Puregold Laoag

Ang hirap talaga ng poor na, mukhang poor pa.

Nagpunta ako sa CD-R King sa Puregold Laoag. At dahil gusto kong naka-relax mode, naka-shorts at lumang shirt lang ako.

Nagtanong ako kung may tinda silang jacket case para sa 8-inch Android Tab. Halos padabog na sagot ng salesgirl na may name tag na Cheryll, “Wala”. Sabay head-to-foot sa akin bago ipinagpatuloy ang pagbibilin niya ng pagkain sa kanyang katrabaho.

May nakita akong isang accessory para sa iPad, tinanong ko kung pwedeng matingnan. Parang nabwisit si salesgirl Cheryll dahil naiistorbo ko ang pag-order niya ng kanyang lalapangin. Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay.

Muli niya akong binigyan ng nakakapanindig balahibong head-to-foot at sinabi: “Pang-iPad lang ‘yan! At P990 ang presyo n’yan!” Nanlilisik na ang kanyang mga mata na wari’y galing s’ya sa bituka ng impyerno.

Nabuhay ang dugong Diego Silang sa aking mga ugat, sinita ko ang attitude ni kagalang-galang na salesgirl Cheryll. Pero imbes na kumalma at pakinggan ako, pinagsasagot ba naman ako na pang-iPad lang yung gusto kong tingnan at mahal!

Pinatawag ko ang manager. Dumating si OIC Jenni.

Pero sabi ni OIC Jenni, sa website lang daw ng CD-R King ako pwedeng mag-complain. Wala daw kapangyarihan ang branch na aksyunan ang mga grievances laban sa mga empleado nila. Ha? Ganun? Nakakabaliw naman!

Sobrang sama ng loob ko sa mga isinagot sa akin ni OIC Jenni, lalo na’t habang nagrereklamo ako, patuloy pa rin ang paghead-to-foot sa akin ng nagngangangawang si salesgirl Cheryll—nakataas ang noo at puno ng yabang.

Umalis na lang ako na halos pumutok ang aking puso sa galit. Tinatanong ko sa aking sarili kung bakit ganito ang treatment ng CD-R King ng Puregold Laoag sa kanilang mga customers.

At bagamat, tenant lang nila ang CD-R King, hinahayaan ba ng management ng Puregold Laoag na masira ang kanilang image dahil sa lantarang kabastusan ng ilang salesgirl sa loob ng kanilang mall?

O sa mga tulad ko lamang ba na obvious na poor sila ganoon? Kung ako kaya si Anne Curtis? O si Janet Napoles? O si Mommy Dionisia? O si Justin Bieber?

Hay! Ang hirap maging mahirap!

CD-R King at Puregold Laoag, ganito ba kayo magpasalamat sa aming mga customers?
***
Maraming salamat po sa halos 300 na runners na sumuporta sa Takbo Para sa Pasko 2013 noong December 7 sa Laoag City.

Ang proceeds ng naturang running event ay mapupunta sa outreach project ng Bad Circle Runners at Balitang Ilokano sa darating na December 31.

Muli, maraming, maraming salamat po! Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal!
***
BARD NOTES: Special thanks to INWD General Manager John Teodoro, INWD Board of Directors and all employees of Ilocos Norte Water District. 

Happy bard-reading to Congresswoman Imelda R. Marcos, Governor Imee Marcos, Mayor Chevylle V. Farinas, Vice Mayor Michael V. Farinas, Mayor Jeffrey Jubal Nalupta, Board Member James Paul “Goro” Nalupta, Mr. Efren Bartolome, Ms. Pia Salapongol, Dr. Chester Puño, Dr. Sme Juancho Estrella and Atty. Yvette Convento- Leynes.


Happy reading also to Provincial Treasurer Josephine Calajate, INEC Director JV Calajate, Ms. Cecil Nalupta and the employees of Philippine National Bank – Laoag Branch, AMA – Laoag Campus,  DepEd – Laoag, Video City – Laoag, Runner’s High Specialty Shop, Land Bank of the Philippines and Ilocos Norte PNP.

Comments

  1. I witnessed an instance like this. A customer asked about a certain product and the saleslady told him to look for it at the corner instead of looking for it herself; "kitam dita," the saleslady told him." And yes, this is a serious concern.

    ReplyDelete
  2. Those CDR King staff seem to be more concerned about other things except what they are supposed to do. They are not only rude but they are also so conceited that they believe we couldn't esist without them.

    ReplyDelete
  3. Nandun po ako ng mangyari po iyan dba po sir mali din po ung ginawa nio sa staff ng cd-r king na duruin nio po sila.? Atsaka po sir dba po merong priority number? Comment ko lang naman ho anu po?

    ReplyDelete
  4. dec 7 2013 @4:39 in d afternoon title " i was there " ma walang galang na po ginoo nandun aq ng mangyari..,tanung lang po panu po kau ma headtofoot ng sales lady kung my pagtan po na stante at bkit u pa po ipag pipilitan kung di po compatible sa item nyo ? isa pa po naring ko po cnv ng grl na kuha po kau ng priority number pero nag dretso po kau d naman po kau cguro pregnant or senior citizen para bgyan ng special treatment d naman mdami din pong mga customer ang cdrking kung madami pong may galit sakanila d na po sa cla naubusan ng tao okay naman po staff ng cdrking ....

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Empanada festival: A celebration of good taste and good life

By Dominic B. dela Cruz & Leilanie G. Adriano Staff reporters BATAC CITY—If there is one thing Batac is truly proud of, it would be its famous empanada-making business that has nurtured its people over the years. Embracing a century-old culture and culinary tradition, Batac’s empanada claims to be the best and tastiest in the country with its distinctive Ilokano taste courtesy of its local ingredients: fresh grated papaya, mongo, chopped longganisa, and egg. The crispy orange wrapper and is made of rice flour that is deep-fried. The celebration of this city’s famous traditional fast food attracting locals and tourists elsewhere comes with the City Charter Day of Batac every 23 rd  of June. Every year, the City Government of Batac led by Mayor Jeffrey Jubal Nalupta commemorate the city’s charter day celebration to further promote its famous One-Town, One Product, the Batac empanada. Empanada City The Batac empanada festival has already become...

Free dormitories eyed for Nueva Era students in LC, Batac

 Nueva Era mayor Aldrin Garvida By Dominic B. dela Cruz ( Staff Reporter) Nueva Era , Ilocos Norte—The municipal government here, headed by Nueva Era mayor Aldrin Garvida is planning to establish dormitories in the cities of Laoag and Batac that will exclusively cater to college students from the said cities. “Sapay la kuma ta maituloyen iti mabiit tay ar-arapaapen tayo ken iti munisipyo a maipatakderan kuma dagiti annak tayo a college students nga agbasbasa idiay siyudad iti Batac ken Laoag iti libre a dormitoryo a bukod da ngem inggana nga awan pay ket an-anusan mi paylaeng nga ibaklay kenni apo bise mayor iti pagbayad da iti kasera aggapu iti bukod mi a suweldo malaksid dagitay it-ited iti munisipyo ken iti barangay nga stipend da kada semester, ” Garvida said.    Garvida added that the proposed establishment of dormitories would be a big help to the students’ parents as this would shoulder the expenses of their children for rent and likewise they would feel...

P29 per kilo rice sold to vulnerable groups in Ilocos region

BBM RICE. Residents buy rice for only PHP29 per kilo at the NIA compound in San Nicolas town, Ilocos Norte province on Sept. 13, 2024. The activity was under a nationwide pilot program of the government to sell quality and affordable rice initially to the vulnerable sectors. (Lei Adriano) San Nicolas , Ilocos Norte —Senior citizens, persons with disability, and solo parents availed of cheap rice sold at PHP29 per kilogram during the grand launching of the Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice held at the National Irrigation Administration compound in San Nicolas, Ilocos Norte province on Sept. 13, 2024. “ Maraming salamat Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa inyong pagmamahal sa Region 1 lalong-lalo na sa bayan namin sa San Nicolas,” said Violeta Pasion, a resident Brgy.   18 Bingao in this town. The low-priced grains were sourced from the National Irrigation Administration’s (NIA) contract farming with irrigators' association members in the province. Along with Pasion, Epi...