Ni Josefina T. Gonzales
FNRI-DOST S&T Media Service
Alam
n’yo ba na ang pamilyang Pinoy ay kulang sa
protina?
Ito ay ayon sa 2008 National
Nutrition Survey na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute ng
Department of Science & Technology (FNRI-DOST).
Ang kakulangan sa protina ay
ayon sa Estimated Average Requirement
(EAR) na 80 porsiyento ng Recommended
Energy and Nutrient Intake (RENI) para sa protina.
Ang protina ay kailangan ng
katawan para sa pagbuo ng mga muscles
at body tissues. Bukod dito, ang
protina ay tinaguriang karpintero ng ating katawan. Ito ay sa dahilang
tagapagbuo at nagkukumpuni ito ng mga himaymay ng ating kalamnan.
Ayon sa pang-apat na mensahe
ng Nutritional Guidelines for Filipinos,”
Kumain ng isda, karne itlog, mga butong gulay o nuts tulad ng mani, kasuy at iba pang kauri nito. Ito ay para sa
paglaki at pag-saayos ng mga nasirang himaymay o body tissues.”
Ugaliin nating isama ang mga
pagkaing sagana sa protina sa araw - araw na lutuin.
Ang impormasyon na ito ay hatid ng Food and Nutrition
Research Institute ng Department of Science and Technology o FNRI-DOST. Para sa
karadagdagan impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon sumulat o tumawag
kay: Dr. Mario V. Capanzana, Director ng FNRI- DOST. General Santos Avenue,
Bicutan, Taguig City o sa kanyang E-mail address: mcv@fnri.dost.gov.ph o sa
telepono bilang 8-3-7-2-9-3-4 and 8-2-7-3-1-6-4, Maari ring bisitahin ang aming
website: http://www.fnri.dost.gov.ph
Comments
Post a Comment