Skip to main content

Iglesia moments ng hindi Iglesia

Isang maalab na pagbati sa lahat ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo. Wow, ‘sandaang taon na kayo.

Lumaki akong ayaw sa Iglesia ni Cristo. Noong bata pa ako—nasa grade school ako noon—tumatawag ako sa radio upang makipagtalo tungkol sa relihiyon at ipagtanggol ang Katolisismo laban sa Iglesia. “Best in religion” ako lagi noon at champion sa mga bible quiz.

May isa akong tito, si Uncle Erning, na umanib sa Iglesia nang maging nobya niya si Auntie Meding. Tuwing family reunion at magluluto nang tinola si Lola, nagtatalo ang mga tito ko kung ano ang gagawin sa dugo ng manok. Ibaon sa lupa, sabi ni ni Uncle Erning, sapagka’t iyon daw ang nakasaad sa banal na kasulatan samantalang ang iba pang mga tito ko ay gustong ihalo ang malinamnam na dugo sa tinola, dahil ‘yun ang nasusulat sa cookbook. Hindi naman seryosong pagtatalo ‘yon, kantiyawan lang. Hindi ko na maalala kung sino ang nasunod, pero naaalala ko na masarap ang native na tinola, may dugo man o wala, basta’t pinagsasaluhan ng pamilya.

Dati, parang kulto ang tingin ko sa Iglesia. Hindi ko sila maunawaan, o baka simpleng ayaw ko lang talaga sa kanila. Ngunit noong fourth year high school ay dumating sa buhay ko si Rona, ang girlfriend kong mabait, matalino, maganda, at Iglesia ni Cristo. Isang mahabang proseso bago niya ako nakumbinsing sumama sa pagsamba. Sinubukan ko pang kumbinsihin siya na upang patas ay makikisamba ako sa Iglesia tuwing Huwebes at sasama naman siya sa’kin sa Simbahang Katoliko tuwing Linggo, ngunit ipaliwanag niyang ‘di talaga puwede.

Maaga kaming pumunta sa kapilya dahil bawal raw ma-late. Hiwalay ang upuan ng mga babae sa lalake at ginabayan ako ng diakono patungo sa aking upuan. Hindi puwedeng mamili, hindi tulad sa Katoliko na puwedeng dumiretso sa mga upuang malapit sa electric fan. Napansin ko agad ang kaayusan sa loob ng kapilya. Walang mga batang umiiyak o nagtatakbuhan. Walang nagbebenta ng kandila, at wala ring nag-aalok ng rebulto, popcorn o balloon sa labas. At maayos ang pananamit ng lahat; angkop ang kasuotan sa banal na gawain.

Noong magsimula ang pagsamba, napaka-solemn ng mood; talagang damang-dama ng mga kasapi ang pagkanta at panalangin, mayroon pa ngang mga lumuluha at umiiyak. Hindi ko man lubos na naunawaan ang lahat, naramdaman ko ang alab ng pananampalataya ng mga miyembro. Hindi kami nagkatuluyan ni Rona ngunit hindi ito dahil sa relihiyon.

Noong nagtapos ako ng high school ay nagkolehiyo ako sa Maynila; doon na rin ako unang nagtrabaho. Nakilala ko si Memeng, isang kaopisina na nang malaon ay naging matalik na kaibigan. Pumasok si Memeng sa Iglesia nang maging nobyo niya si Pinkoy. Di malaon ay nagpakasal sina Memeng at Pinkoy sa Bisayas, at ako ang kinuhang best man. Sa loob ng halos isang dekada, noon lang muli ako nakapasok sa kapilya. Noong mag-rehearsal kami para sa kasal, ipinaalala ng ministro ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaayusan. Bilang best man, may mga kinailangan akong gawin. Pinagsikapan kong isagawa ang mga ito nang maayos at eksakto sa inaasahan. Successful naman. Bagama’t noong lumao’y hindi naging successful ang pagsasama nila Memeng at Pinkoy (hiwalay na sila ngayon), hindi ko makakalimutan ang karanasan kong iyon sa kanilang kasal.

Sa pagtakbo ng panahon ay dumami pa ang mga kaibigan kong Iglesia, kasama na rito si Michael Esmino, ang matikas na managing editor ng The Ilocos Times. Madalas ay hindi mo kaagad malalaman na Iglesia ang isang tao dahil hindi katulad ng ilang Christians, hindi nila ipinagduduldulan sa iyo ang kanilang pananampalataya. Hindi sila ‘yung tipong umagang-umaga pa lang ay sangkaterbang bible verses na ang na-share sa Facebook. Hindi sila ‘yung tipong nagpo-post ng “hit ‘Like’ if you love Jesus” na para bang kampon ka ni Satanas kapag di mo i-like or i-share ‘yung korning picture or quotation nila.

Halos lahat ng mga kakilala kong Iglesia ay produktibo at marangal na bahagi, hindi lamang ng kanilang relihiyon, ngunit pati na rin ng lipunan. Malaki ang paggalang ko sa kanila.

Kung hindi man sila kumakain ng dugo, o ayaw nila sa mga rebulto, o bawal sa kanila ang pagsali sa mga unyon, o sila’y naniniwalang mga Iglesia lamang ang maliligtas sa huling paghuhukom at ang mga hindi kasapi ay ibabato sa dagat-dagatang apoy… labas na ako doon. Karapatan nilang bumuo ng kanilang mga paniniwala at kagawian.

Ang hindi ko lamang maintindihan at matanggap ay ang kanilang block voting kung saan ang pamunuan nila ang nagdidikta kung sino ang iboboto ng mga miyembro. Isa raw kasi itong pagpapakita ng kanilang pagkakaisa na siyang ipinag-uutos ng banal na kasulatan. Medyo ‘di ako kumportable dito dahil ang boto nila ay nakakaapekto rin sa akin. Kung mananalo ang isang kandidato dahil sa block voting nila (lalo na sa mga dikit na dikit na laban) ay maapektuhan ako dahil magiging lider ko rin ang nanalong iyon. At bakit hindi hayaan ang mga miyembrong mag-isip at pumili ng para sa sarili? Kung sabagay, wala naman sa kanilang pumipilit na maging Iglesia. Sa katunayan ay napakahirap nga daw ang dapat pagdaanan upang maging ganap na miyembro.

Hindi nga naman krimen ang block voting, ‘di tulad ng mga karahasang ginawa ng Simbahang Katoliko lalo na noong middle ages. Daang libo ang ipinapatay ng simbahan: binitay o sinunog ang mga hindi sumusunod sa mga dogma at doktrina. Samantala, hanggang ngayon nama’y patuloy na dumarami ang mga kaso ng pangmomolestiyang kinasasangkutan ng mga pari.

Ang pinakamalala lang siguro na puwedeng mangyari sa’yo sa Iglesia ay ang itiwalag ka nila. Isa itong napakabigat na parusa dahil nga pinahahalagahan talaga ng mga miyembro ang pagiging kabilang sa Iglesia ni Cristo. Mahal nila ang Iglesia sapagka’t mahal rin sila nito. Hindi katulad sa Katoliko kung saan maraming KBL (kasal, binyag, libing) lamang kung makita sa simbahan, at wala namang pakialam si Father sa kanila.

Bilang isang sociologist, batid ko na kung patuloy na nagtatagal ang isang grupo sa mahabang panahon at patuloy na lumalawig—tulad ng mabilis na pagdami ng mga Iglesia ni Cristo sa mahigit isandaang bansa—malamang ay tama ang ginagawa nito, dahil kung mali ay lipunan mismo ang kikitil dito. Walang duda, napunan nito ang ispirituwal (o kung minsa’y pulitikal) na pangangailangan ng milyun-milyong mga Pilipino.

Nasaksihan natin sa pagdiriwang ng kanilang sentenaryo ang laki, lakas at tibay ng Iglesia ni Cristo—mga katangiang sinisimbolo ng kanilang Philippine Arena. Dalangin nating patuloy silang pagpalain ng Panginoong Diyos—Diyos nating lahat—nang sila’y patuloy na makapag-ambag sa ating pagbangon mula sa isang bansang sadlak sa hirap tungo sa isang bayang tunay na maipagmamalaki nating lahat.


Muli, isang maalab na pagbati sa mga kapatid.

Comments

Popular posts from this blog

Empanada festival: A celebration of good taste and good life

By Dominic B. dela Cruz & Leilanie G. Adriano Staff reporters BATAC CITY—If there is one thing Batac is truly proud of, it would be its famous empanada-making business that has nurtured its people over the years. Embracing a century-old culture and culinary tradition, Batac’s empanada claims to be the best and tastiest in the country with its distinctive Ilokano taste courtesy of its local ingredients: fresh grated papaya, mongo, chopped longganisa, and egg. The crispy orange wrapper and is made of rice flour that is deep-fried. The celebration of this city’s famous traditional fast food attracting locals and tourists elsewhere comes with the City Charter Day of Batac every 23 rd  of June. Every year, the City Government of Batac led by Mayor Jeffrey Jubal Nalupta commemorate the city’s charter day celebration to further promote its famous One-Town, One Product, the Batac empanada. Empanada City The Batac empanada festival has already become...

Free dormitories eyed for Nueva Era students in LC, Batac

 Nueva Era mayor Aldrin Garvida By Dominic B. dela Cruz ( Staff Reporter) Nueva Era , Ilocos Norte—The municipal government here, headed by Nueva Era mayor Aldrin Garvida is planning to establish dormitories in the cities of Laoag and Batac that will exclusively cater to college students from the said cities. “Sapay la kuma ta maituloyen iti mabiit tay ar-arapaapen tayo ken iti munisipyo a maipatakderan kuma dagiti annak tayo a college students nga agbasbasa idiay siyudad iti Batac ken Laoag iti libre a dormitoryo a bukod da ngem inggana nga awan pay ket an-anusan mi paylaeng nga ibaklay kenni apo bise mayor iti pagbayad da iti kasera aggapu iti bukod mi a suweldo malaksid dagitay it-ited iti munisipyo ken iti barangay nga stipend da kada semester, ” Garvida said.    Garvida added that the proposed establishment of dormitories would be a big help to the students’ parents as this would shoulder the expenses of their children for rent and likewise they would feel...

P29 per kilo rice sold to vulnerable groups in Ilocos region

BBM RICE. Residents buy rice for only PHP29 per kilo at the NIA compound in San Nicolas town, Ilocos Norte province on Sept. 13, 2024. The activity was under a nationwide pilot program of the government to sell quality and affordable rice initially to the vulnerable sectors. (Lei Adriano) San Nicolas , Ilocos Norte —Senior citizens, persons with disability, and solo parents availed of cheap rice sold at PHP29 per kilogram during the grand launching of the Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice held at the National Irrigation Administration compound in San Nicolas, Ilocos Norte province on Sept. 13, 2024. “ Maraming salamat Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa inyong pagmamahal sa Region 1 lalong-lalo na sa bayan namin sa San Nicolas,” said Violeta Pasion, a resident Brgy.   18 Bingao in this town. The low-priced grains were sourced from the National Irrigation Administration’s (NIA) contract farming with irrigators' association members in the province. Along with Pasion, Epi...