Ni Ma. Anna Rita M. Ramirez
FNRI S & T Media Service
Alam
n’yo ba na ang mga berde at madahong gulay
ay mayaman sa sustansiya at micronutrients? Ang micronutrients
ay mga bitamina at mineral na kailangan ng katawan sa kaunting dami lamang
upang mapanatili ang mga iba’t ibang proseso sa loob ng ating katawan.
Halimbawa ng madahon at
berdeng gulay ay mga dahon ng malunggay, ampalaya at sili. Kasama na rin dito ang mga talbos ng
kangkong, kamote, sayote at kalabasa.
Ang repolyo, letsugas, cauliflower at broccoli ay kabilang din sa
grupong ito.
Ang madahong gulay ay may
bitamina A na nagbibigay proteksyon sa sakit at tumutulong sa pagpapalinaw ng
mata. Ang mga ito ay may B-vitamins din
na nagbibigay enerhiya at lakas. Ito rin
ay tumutulong sa muscular at nerve function ng ating katawan. Ang vitamin C na taglay ng mga gulay na ito
ay tumutulong sa pagpapaigting ng resistensiya, pagpapatibay ng mga cells at
pag-absorb ng iron.
Nagdudulot din ang mga berde
at madahong gulay ng mga mineral tulad ng iron
at calcium. Ang calcium ay kailangan para sa pagbuo at pagpapatibay ng buto. Ang iron naman ay tumutulong sa pagbuo ng
pula ng dugo na mahalaga upang hindi maging anemic ang isang indibidwal.
Ang mga madahong gulay ay isa
ring mahalagang pinagkukuhanan ng fiber
o hibla. Ang fiber ang nagsisilbing tagapag-walis at tumutulong maglinis ng
ating digestive system.
Ayon sa Nutritional
Guidelines for Filipinos, ine-enganyo ang pagkain ng mas maraming gulay at
prutas para maiwasan ang micronutrient
deficiencies. Ayon sa surbey ng FNRI
noong taong 2008, natukoy na karamihan sa mga Filipino ay di kumakain ng sapat
na gulay at prutas na mayaman sa vitamin C.
Isinusulong ang pagkonsumo ng
tatlong dulot o servings ng madahong gulay sa loob ng isang araw. Ang kalahating tasang lutong gulay ay
katumbas ng isang dulot.
Ang impormasyon na ito ay hatid ng Food and Nutrition
Research Institute ng Department of Science and Technology o FNRI-DOST. Para sa
karadagdagan impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon sumulat o tumawag
kay: Dr. Mario V. Capanzana, Director ng FNRI- DOST. General Santos Avenue,
Bicutan, Taguig City o sa kanyang E-mail address: mcv@fnri.dost.gov.ph
o sa telepono bilang 8-3-7-2-9-3-4 and 8-2-7-3-1-6-4, Maari ring bisitahin ang
aming website: http://www.fnri.dost.gov.ph.
Comments
Post a Comment