Binuksan na ang taunang Bright Leaf Awards (BLA) para sa
kumpetisyon ng mga mamahayag sa radio, telebisyon at dyario.
Ang ika-walong Bright Leaf
Agriculture Journalism Awards ay layung kilalanin ang
magagaling na mamahayag at himukin silang abutin ang “excellence”
sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng impormasyon sa pagtatanim ng tabako at
industriya ng agrikultura.
Bibigyan din ng award
ang mga photographers na may pinakamagandang kuha sa sitwasyon ng
agrikultura sa bansa.
Ayon kay Didet Danguilan,
Bright Leaf Awards project head, mga Pilipinong mamamahayag lang ang maaring
sumali sa kumpetisyon.
Ang mga kategorya ay
Agriculture Story of the Year, Agriculture Photo of the Year, Tobacco Story of
the Year, Tobacco Photo of the Year, Best Television Program or Segment, Best
Radio Program or Segment, Best National News Story, Best Regional News Story,
Best National Feature Story, Best Regional Feature News Story and Oriental Leaf
Award.
Ang Oriental Leaf Award ay
binibigay sa mga nanalo ng limang beses na sunod-sunod sa BLA at naging
bahagi ng grupo sa Bright Leaf Hall of Fame.
"Gusto naming ma-inspire
ang ating mga kababayan lalo na nang tamaan tayo ng mga malalakas na bagyo at
lindol,” ani Danguilan.
Ngayong taon, nais ng BLA na
dumami ang sasaling tri-media practitioners sa prubinsya.
Ang pagsali sa BLA ay libre.
Ang mga entries ay dapat ng lumabas sa dyario o TV o naere sa radio mula Sept.
1, 2013 hanggang Agosto. 31, 2014.
Para sa karagdagang
impormasyon, bisitahin ang www.thebrightleafawards.com o tumawag sa Bright Leaf
Secretariat 697-8110, (0915)5508301 o (0918)4130797 o
mag-email sa secretariat@thebrightleafawards.com.
Comments
Post a Comment