Nakakaumay na ang paggamit sa life cycle ng paru-paro sa
pagsasalarawan sa buhay. Pero sige, gamitin uli natin!
Ito
lang siguro ang kaibhan ngayon: Sa pamamagitan ng ikot ng buhay ng paru-paro,
isasalarawan natin ang ugali ng ilang churchgoer o nagsisimba.
Flashback tayo sa buhay ng paru-paro.
Magsisimula
ito bilang isang itlog na nakapatong sa halaman. Pagkalipas ng ilang
lingo, mapipisa ang itlog at iluluwal ang isang caterpillar—isang mabalahibong
“uod” na ubod ng bagal sa pagkilos.
Matapos
ang ilang linggo, maghahanap ang caterpillar ng mapwe-pwestuhan para
maging pupa o chrysalis. Sa kanyang pagiging pupa,
maglalambitin at sasabak sa napakahimbing na “pagtulog”.
Pagkaraan
ng dalawa hanggang tatlong lingo, kakawala na ito bilang isang makulay at
masayang paru-paro.
Sa
karaniwang obserbasyon, ganito rin ang cycle ng ilang mga nagsisimba,
lalo na tuwing Linggo ng umaga.
Una,
sila’y tila mga itlog na walang kagana-ganang maghanda para sa misa. Makaraan
ng ilang “orasyon” at “ritwal” sa kwarto, sa kusina, sa banyo at sa tokador,
unti-unti silang uusad patungong simbahan.
Pagdating
sa simbahan, hahanapin na nila ang kanilang dating pwesto at doon na
isasalampak ang kanilang mga sarili.
Pagkaraan
lamang ng ilang sandali, babanat na sila ng tulog. ‘Yun namang mga medyo mataas
pa ang delikadesa, maggigising-gisingan na lamang—‘yun bang dilat ang mga mata,
pero ang ulirat ay nasa ibang dimension na.
At
ang nakapagtataka, pagkatapos na pagkatapos ng concluding rites ng misa,
bigla silang magigising at magiging buhay na buhay ang kanilang mga mukha.
Pagkalabas ng simbahan, mamamayagpag na sila kung saan-saan—sa kainan, sa mall, sa sinehan, o di kaya’y sa
majongan. Ni isang aral sa misa, walang matandaan.
‘Yan
ang makulay na buhay ng mga “paru-parong simbahan”.
Sabagay,
kung minsan hindi natin sila masisisi. Marahil ay hindi na natutugunan ng
simbahan ang kanilang pangangailangang-ispiritwal.
Paumanhin
po sa mga mahal nating pari, pero marami na kasi sa kanila ang hindi na
kakikitaan ng seryosong “spirituality”. Ilan nga sa kanila, wala man lang bahid
ng “holiness” ang kanilang pagseselebra ng misa. Isama na rin diyan ang mga
sermon na walang koneksyun sa salita ng Diyos at mga sermon na singhaba ng encyclopedia.
At
higit sa lahat, marahil hindi na nakikita ng ilang churchgoer ang pagsasabuhay ng clergy sa mga gawain ni
Kristo—kabanalan, pagsasakripisyo, pagpapakumbaba, pagtulong sa mga
nangangailangan at simpleng pamumuhay.
Dapat
ay kumilos na ang mga namumuno ng ating simbahan—as in seryosong
pagkilos at pagbabago na. Bago pa maging paru-paro ang lahat ng mga nagsisimba,
at dumapo sila sa ibang relihiyon o paniniwala.
***
BARD
NOTES: Special thanks to INWD General
Manager John Teodoro, INWD Board of Directors and all employees of Ilocos Norte
Water District.
Happy bard-reading to
Congresswoman Imelda R. Marcos, Mayor Chevylle V. Farinas, Vice Mayor Michael
V. Farinas, Mayor Jeffrey Jubal Nalupta, Board Member James Paul “Goro”
Nalupta, Mr. Efren Bartolome, Ms. Pia Salapongol, Dr. Chester Puño, Dr. Sme
Juancho Estrella and Atty. Yvette Convento- Leynes.
Happy reading also to
Provincial Treasurer Josephine Calajate, INEC Director JV Calajate, Ms. Cecil
Nalupta and the employees of Philippine National Bank – Laoag Branch, AMA –
Laoag Campus, DepEd – Laoag, Video City
– Laoag, Runner’s High Specialty Shop, Land Bank of the Philippines and Ilocos
Norte PNP.
Comments
Post a Comment