Skip to main content

K

Sa panahon natin, ang mga tinatawag na “may K” ay mga taong may “karapatan.”

May karapatan sa kanilang mga hangarin. May karapatan sa kanilang mga ambisyon. May karapatan sa kanilang mga propesyon.  At may karapatan sa kanilang mga posisyon.

Kaya’t kung tinawag kang “may K”, isa itong positibong pagtingin sa iyong kakayahan, dignidad at maging sa buo mong pagkatao. Isa kang taong dapat pamarisan ng iyong kapwa at dapat bigyan ng karampatang respeto.

Pero kung ika’y tinawag na “walang K”, isa itong malaking insultong inihampas sa’yong mukha. Itinuturing kang walang karapatan sa mga tangan mong hangarin, ambisyon, katayuan, propesyon at posisyon.

Tila ba ipinagsisigawang wala kang kakwenta-kwentang nilalang na hindi karapat-dapat bigyan ng anumang paggalang.

 ‘Yan ang dalawang klase ng tao sa pananaw ng tao—ang mga “may K” at mga “walang K”

Subalit, kabaligtaran ito sa pananaw ng Ancient Rome, lalo na noong kasikatan ni Marcus Tullius Cicero.

Noon, kung tinawag kang “may K”, isa kang masamang mamamayan. Pero kung ikaw ay tinaguriang “walang K”, isa kang idolo at iginagalang ng karamihan.

Bago tayo malito, kailangang malaman natin ang kaibhan “K” sa ating panahon sa bokabularyo ng mga sinaunang Romano. Sa Ancient Rome, hindi “karapatan” ang isinisimbolo ng letrang “K”. Para sa kanila, ang letrang “K” ay tatak para sa mga nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin o “kalumniator.”

Halimbawa, kung ang isang abogado o prosecutor ay naging pabaya sa hinahawakan niyang kaso o di kaya’y mali ang kanyang mga akusasyun, tatawagin siyang false accuser—isang “kalumniator.”

Bukod sa mga parusang ipapataw ng batas, ang isang “kalumniator” ay sasailalim sa forehead branding o ang paglalagay ng tatak sa kanyang noo. Ang ilalagay na tatak sa kanyang noo ay isang malaking letrang “K.”

Ang forehead branding ay lalo pang sumikat noong ipagsigawan ni Cicero sa korte na dapat lagyan ng tatak na “K” ang noo ng prosecutor na nagbitaw ng maling akusasyon na parricide sa kanyang kliyenteng si Sextus Roscius.

Mula noon, ang mga pabaya sa kanilang mga obligasyon at mga sinungaling sa kanilang mga propesyon ay nanganganib malagyan ng tatak na “K” sa kanilang noo.

Sa ating panahon, ano kaya ang maging hitsura ng mga tanggapan ng gobyerno kung malalagyan din ng forehead branding ang mga “kalumniator”? Ano kaya ang hitsura ng mga sangguniang? Ano kaya ang magiging pangunahing tanawin sa kongreso? Sa senado? Pati na rin sa mga korte?

Mamamayani kaya ang letrang “K” sa mga noo ng ating mga opisyal?  

Pero kahit bawal na ang forehead branding sa kasalukuyan, sana huwag nating kalimutang itatak sa ating mga puso’t isipan kung sino ang mga pabaya, abusado at walang kwentang lider sa ating bayan.

***
BARD NOTES: Special thanks to INWD General Manager John Teodoro, INWD Board of Directors and all empoyees of Ilocos Norte Water District. 
Happy bard-reading to Governor Imee Marcos, Congresswoman Imelda R. Marcos, Mayor Chevylle V. Farinas, Vice Mayor Michael V. Farinas, Mayor Jeffrey Jubal Nalupta, Board Member James Paul “Goro” Nalupta, Mr. Efren Bartolome, Ms. Pia Salapongol, Dr. Chester PuƱo, Dr. Sme Juancho Estrella and Atty. Yvette Convento- Leynes.


Happy reading also to Provincial Treasurer Josephine Calajate, INEC Director Virgilio Calajate, Ms. Cecil Nalupta and the employees of Philippine National Bank – Laoag Branch, AMA – Laoag Campus,  DepEd – Laoag, Video City – Laoag, Runner’s High Specialty Shop, Land Bank of the Philippines and Ilocos Norte PNP.

Comments

Popular posts from this blog

Empanada festival: A celebration of good taste and good life

By Dominic B. dela Cruz & Leilanie G. Adriano Staff reporters BATAC CITY—If there is one thing Batac is truly proud of, it would be its famous empanada-making business that has nurtured its people over the years. Embracing a century-old culture and culinary tradition, Batac’s empanada claims to be the best and tastiest in the country with its distinctive Ilokano taste courtesy of its local ingredients: fresh grated papaya, mongo, chopped longganisa, and egg. The crispy orange wrapper and is made of rice flour that is deep-fried. The celebration of this city’s famous traditional fast food attracting locals and tourists elsewhere comes with the City Charter Day of Batac every 23 rd  of June. Every year, the City Government of Batac led by Mayor Jeffrey Jubal Nalupta commemorate the city’s charter day celebration to further promote its famous One-Town, One Product, the Batac empanada. Empanada City The Batac empanada festival has already become...

Free dormitories eyed for Nueva Era students in LC, Batac

 Nueva Era mayor Aldrin Garvida By Dominic B. dela Cruz ( Staff Reporter) Nueva Era , Ilocos Norte—The municipal government here, headed by Nueva Era mayor Aldrin Garvida is planning to establish dormitories in the cities of Laoag and Batac that will exclusively cater to college students from the said cities. “Sapay la kuma ta maituloyen iti mabiit tay ar-arapaapen tayo ken iti munisipyo a maipatakderan kuma dagiti annak tayo a college students nga agbasbasa idiay siyudad iti Batac ken Laoag iti libre a dormitoryo a bukod da ngem inggana nga awan pay ket an-anusan mi paylaeng nga ibaklay kenni apo bise mayor iti pagbayad da iti kasera aggapu iti bukod mi a suweldo malaksid dagitay it-ited iti munisipyo ken iti barangay nga stipend da kada semester, ” Garvida said.    Garvida added that the proposed establishment of dormitories would be a big help to the students’ parents as this would shoulder the expenses of their children for rent and likewise they would feel...

P29 per kilo rice sold to vulnerable groups in Ilocos region

BBM RICE. Residents buy rice for only PHP29 per kilo at the NIA compound in San Nicolas town, Ilocos Norte province on Sept. 13, 2024. The activity was under a nationwide pilot program of the government to sell quality and affordable rice initially to the vulnerable sectors. (Lei Adriano) San Nicolas , Ilocos Norte —Senior citizens, persons with disability, and solo parents availed of cheap rice sold at PHP29 per kilogram during the grand launching of the Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice held at the National Irrigation Administration compound in San Nicolas, Ilocos Norte province on Sept. 13, 2024. “ Maraming salamat Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa inyong pagmamahal sa Region 1 lalong-lalo na sa bayan namin sa San Nicolas,” said Violeta Pasion, a resident Brgy.   18 Bingao in this town. The low-priced grains were sourced from the National Irrigation Administration’s (NIA) contract farming with irrigators' association members in the province. Along with Pasion, Epi...