Ha? Ambilis talaga ng panahon!
Parang
kalian lang, P50 ang pamasahe sa tricycle mula Robinsons hanggang Laoag.
Ngayon, P60 na daw ang minimum! Totoo ba ‘to o gawa-gawa lang ng driver ng
nasakyan naming tricycle upang mapagbigyan ang sigaw ng kaswapangan sa kanyang
laman?
Tinanong namin ‘yung
driver kung ito ba ang bagong pamasaheng inaprobahan ng mga opisyal ng San
Nicolas, Ilocos Norte. Ang pa-lecture ba naman n’yang sagot: “Wala namang
pakialam ang mga opisyal sa gustong naming pamasahe. Maging si mayor, walang
pakialam tungkol dito!”
Ha? Ganoon? Sorry po,
bobo kasi kami sa bagay na ‘yan. Pasahero lang po kami.
Matanda
po kasi yung driver kaya imbes na makipagdebate kami, dinaan na lang namin sa
biro ang mga usisa namin. Baka nga naman kasi totoong legal ang siningil n’ya—mapahiya
pa kami! Pinatawad na lang namin at ibinaon sa limot ang kanyang sidecar
number. Kinalimutan na rin namin ang apelyido ng driver na si Lolo Adriano.
Ehe!
Hay!
Buti pa sila lumalaki ang kita!
Kasi
kung totoong walang pakialam ang mga opisyal sa ipinapatupad na pamasahe, napakadaling imanipula ng mga driver ang mga
pasahero. Lalo na, wala namang magagawa ang karamihan ng “mall goers” kundi
sumakay sa mga nakaabang na pila ng tricycle sa labas ng mall.
Pero
sana naman, isipin din ng mga tricycle driver na hindi lahat ng pumupunta sa
mall ay turista at may limpak-limpak na pera. Mas marami pa rin ang mga tulad
naming dukha na nais lang mag-relax sandali, bago muling sumabak sa trabaho’t
harapin ang mga problema.
Sa
totoo lang, maraming reklamo ang mga pasahero laban sa ilang tricycle driver.
Subalit hanggang blotter at
pagbatikos lamang sa media ang nangyayari. Halos wala namang nakikitang
pagbabago sa mga ugali nilang nakakasulasok.
Bakit
kaya? May ginagawa ba talaga ang mga opisyal? Ang pamunuan ng Robinsons, wala
bang magagawa laban sa mga pasaway na driver
na umaabuso sa mga customers nila?
Mga “untouchables” ba ang mga tricycle driver?
Sabi
ko na nga ba e! Nag-jeepney na lang sana kami! Dahil sa taas ng pamasahe
ngayon, ang tricycle na ang bagong sosyal!
***
BARD
NOTES: Special thanks to INWD General
Manager John Teodoro, INWD Board of Directors and all employees of Ilocos Norte
Water District.
Happy bard-reading to
Congresswoman Imelda R. Marcos, Mayor Chevylle V. Farinas, Vice Mayor Michael
V. Farinas, Mayor Jeffrey Jubal Nalupta, Board Member James Paul “Goro”
Nalupta, Mr. Efren Bartolome, Ms. Pia Salapongol, Dr. Chester PuƱo, Dr. Sme
Juancho Estrella and Atty. Yvette Convento- Leynes.
Happy reading also to
Provincial Treasurer Josephine Calajate, INEC Director JV Calajate, Ms. Cecil
Nalupta and the employees of Philippine National Bank – Laoag Branch, AMA –
Laoag Campus, DepEd – Laoag, Video City
– Laoag, Runner’s High Specialty Shop, Land Bank of the Philippines and Ilocos
Norte PNP.
Comments
Post a Comment