Ni
Ma. Idelia G. Glorioso
FNRI-DOST S & T Media
Service
Nagbabasa ka ba ng food label kapag namimili sa grocery or
sari-sari store?
Ano
ba ang mas pinahahalagahan mo—ang brand ba, ang presyo o ang sustansyang
taglay ng pagkain o produkto?
Siyempre,
nangunguna sa ating tinitingnan ay ang ang presyo ng produkto kapag tayo ay
namimili.
Pero,
hindi natin dapat isantabi ang mga sustansiyang taglay ng pagkain. Saan natin
makikita ang impormasyong ito? Saan pa, kundi sa label ng pagkain.
Mahalaga
ang label ng mga pagkaing ating binibili hindi lang para madali nating
matandaan ang isang produkto, kundi para malaman natin kung ano ang kabutihang
dulot nito sa ating kalusugan.
Ano
ba ang mga impormasyong nilalaman ng isang food label?
Unang
makikita sa label ay ang pangalan ng produkto kung saan nakasaad ang
may-gawa ng naturang produkto at ang kanilang address.
Mahalaga
ang pangalan at address ng gumagawa ng produkto para kung sakaling may
hindi magandang epekto sa ating katawan ang isang pagkain o kaya ay ma-food
poison tayo, alam natin kung sino ang puwede nating puntahan.
Makikita
rin natin sa food label kung gaano karami o ano ang timbang ng pagkaing
ating binibili, at kung ilang tao ang pwedeng makinabang dito.
Ang
pinaka-importanteng bahagi ng food label ay ang nutrition facts
ng isang pagkain.
Ang
nutrition facts o ang nutrition label ang tumutukoy sa mga
impormasyon na may kinalaman sa mga sustansiyang taglay ng isang pagkain.
Halimbawa
ng nakasulat sa nutrition facts ay
kung gaano karaming enerhiya, protina, taba, fiber, bitamina, mineral o
iba pang sustansiyang taglay ng pagkain.
Mahalaga
ang nutrition facts para alam natin kung sapat ba ang sustansiyang
taglay ng isang pagkain para tugunan ang pangangailangan ng ating katawan.
Makatutulong
din ang nutrition facts para sa mga
tao na gustong limitahan ang konsumo nila ng taba, sodium, asukal o iba
pang mga sangkap o ingredients, lalo na ang mga diet-conscious at
mga taong may lifestyle diseases tulad ng diyabetes, sakit sa puso at
kanser.
Alam ba ninyo na
hindi lang ang mga mamimili ang puwedeng makinabang sa mga food
labels na ito?
Ang
mga food companies ay makikinabang din sa paglalagay ng tamang food
labels sa kanilang mga produkto.
Ang
mga food labels kasi ay maaaring maging insentibo ng mga food
companies para lalo pa nilang pagbutihin ang kalidad ng produkto lalo na
ngayon na health at nutrition-conscious
na rin ang maraming mamimili.
Kaya
naman sa mga mamimili o consumers, huwag po tayong basta bumibili ng
isang produkto na dahil sikat o kilala
ang brand, mas mura o inendorso ng mga sikat na artista.
Kailangan
tingnan mabuti ang food label upang malaman kung may sapat sustansiya
ang produkto na tutugon sa pangangailangan ng ating katawan.
Para sa karagdagang impormasyon
tungkol sa pagkain at nutrisyon, makipag-ugnayan kay Dr. Mario V.
Capanzana, Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig,
Metro Manila, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287, FNRI-DOST, email: mvc@fnri.dost.gov.ph;
website:http//www.fnri.dost.gov.ph
Comments
Post a Comment