Ni Ma. Idelia G. Glorioso
FNRI-DOST S&T Media Service
Ang pag-inom ng alak ay nakaugalian ng mga Pinoy tuwing may
pagdiriwang ng iba’t-ibang okasyon. Magarbo o simpleng okasyon man ay
kakikitaan ng alak sa mesa.
Mahirap
iwasan ang pag-inom ng alak sa ganitong mga okasyon, lalo na kung ang kasama ay
ang mga kabarkada, kaopisina o katrabaho.
Ngunit
maaaring mabawasan ang pag-inom ng alak.
Narito ang ilang payo:
·
Uminom ng mas maraming tubig habang umiinom ng alak.
·
Lumipat sa low alcohol
beer o low alcohol wine.
·
Uminom sa mas maliit na baso ng alak kaysa dati.
·
Magdagdag ng mas maraming non-alcoholic
mixers tulad ng juice o
kalamansi.
·
Uminom ng fruit juice
o non-alcoholic wine.
Ayon
sa 2012 Nutritional Guidelines for
Filipinos (NGF), maging physically active, pumili ng masustansyang
pagkain, i-manage ang stress, iwasan ang sobrang pag-inom ng alak at
huwag manigarilyo para maiwasan ang mga lifestyle-related non-communicable
diseases
Ang
NGF ay binuo ng Technical Working Group (TWG) sa pamumuno ng Food and Nutrition Research Institute ng
Department of Science and Technology (FNRI-DOST),
Sa pag-iwas sa alak, maiiwasan din ang gastos, sakit at
iba pang panganib sa buhay.
Para sa karagdagang impormasyon
tungkol sa pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag sa Food and Nutrition
Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig City, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71
loc. 2287, email: mvc@fnri.dost.gov.ph; FNRI-DOST
website:http//www.fnri@dost.gov.ph ph.
Comments
Post a Comment