Wednesday, October 8, 2014

Epekto ng alak sa sanggol sa sinapupunan

Ni Ma. Idelia G. Glorioso
FNRI-DOST S&T Media Service

Ang pagbubuntis ang isa sa mga masasayang parte sa buhay ng mag-asawa. Gagawin ang lahat para maibigay ang malusog na simula para sa sanggol sa sinapupunan.

Kapag nalaman ng isang babae na siya ay nagdadalangtao, una niyang dapat gawin ay magpa-prenatal check up. Dagdag pa dito ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain, pag-inom ng maraming tubig, at pag- iwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Sa mga nagdadalantao, ang pag-inom ng higit sa tatlong onsa ng inuming may alkohol sa isang araw ay maaring mag-resulta sa fetal alcohol syndrome,  lalo na sa unang tatlongbuwan ng pagbubuntis?  Ang mga batang mayroon nito ay may pisikal na kapansanan  at may kakulangan sa pag-iisip.

Ayon sa 2012 Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF) kailangang maging physically active, pumili ng masustansyang pagkain, i-manage ang stress, iwasan ang sobrang pag-inom ng alak at huwag manigarilyo. Ito ay para maiwasan ang mga sakit na sanhi ng maling pamumuhay at pagkain.

Ang 2012 NGF ay binuo ng Technical Working Group (TWG) sa pamumuno ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST),

Pinapayuhan ang mga nagdadalangtao na huwag uminom ng alak.  Wala pa kasing pag-aaral  ukol sa dami ng alak na ligtas inumin ng nagdadalangtao, bukod pa sa nabanggit na masamang epekto nito sa mag-ina. 


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag sa Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig City, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287, email: mvc@fnri.dost.gov.ph; FNRI-DOST website:http//www.fnri@dost.gov.ph.

No comments:

Post a Comment